Pamamasyal sa Isla ng mga Bituin

Noong Oktobre 2010, ang aking pamilya at ako ay nagkaroon ng bakasyon sa Puerto Princesa City. Isa sa naging bahagi ng aming karanasan sa bayan na iyon ay ang island hopping sa Honda Bay. Ang lugar na ito ay ang perpektong lugar para sa island hopping dahil sa bawat isla ay may kakaibang katangian, ang magandang tanawin ng baybayin at ang likas na yaman na makikita sa look. Ang Honda Bay din ay magandang lugar para sa snorkeling dahil sagana ito sa yamang dagat tulad ng mga isda at coral reefs mula sa mababaw na bahagi ng dagat hanggang sa pinakamalalim na parte.

Mayroong isang pulo sa Honda Bay na masasabi kong kakaiba dahil marami kang makikitang mga bituin. Ito ay ang Starfish Island. Mararating mo ang islang ito sa loob ng 20 hanggang 45 minutong biyahe gamit ang bangka mula sa Sta. Lourdes Wharf na bahagi ng Barangay Tagbanua, Puerto Princesa City. Sa loob ng mahigit kalahating minuto ng aming pagbisita sa Starfish Island, natuklasan ko ang kagandahan ng isla at matutuklasan mo ang mga iba’t-ibang likas na yaman na makikita mo rito.

Isa sa mga di ko malilimutang alaala ay ang unang beses na nakakita at nakahawak ako ng starfish gayundin noon nakita ko na maraming starfish sa mababaw ngunit mabatong bahura ng isla. Nakakaenganyong pagmasdan ang kulay kahel at kayumangging starfish na nagkalat sa malinaw at pantropikong tubig ng Honda Bay. Mayroon ding mga kulay-abo na sea stars at iba pang mga hayop tulad ng alimango, mga corals at mga clownfish na naninirahan sa sea anemone. Nagsagawa kami ng fish feeding pero kakaunti lamang ang mga isda na may kulay na puti, abo at kayumanggi.

Ngunit kailangan maging maingat sa mga stonefish. Para silang mga magagaspang na bato sa ilalim ng tubig na tumutugma sa mabatong bahura ng karagatan. Kapag ikaw ay inatake nito, ang buong binti mo ay makakaramdam ng matinding pananakit dahil sa kimikal na kanilang nilalabas sa katawan.

Marami ding mga puting kabibe na hugis bilog na tulad ng isang barya na makikita sa islang ito. Ang tawag sa kanila ay mga sand dollars. Napakaraming sand dollars na nagkalat sa baybayin ng isla at noong nakita ko ito ng malapitan, wala na silang laman. Ang tunay na kulay nito kapag buhay pa ay kulay kayumanggi kung saan nabubuhay sila sa maputik o malalim na bahagi ng karagatan. Nakakita din kami ng patay na starfish na nabubulok sa dalampasigan. Natatapos ang buhay nito kapag ito ay natuyo at wala na sa tubig. Nakakita din kami ng ibang starfish sa dalampasigan na nangingitim o namumutla kaya ang ginawa namin ay binalik namin sila sa dagat para mabuhay nang matagal.

Ang aking pagbisita sa Starfish Island ay ang nagturo sa akin kung paano magpahalaga sa kalikasan lalo na sa karagatan at ang pagpapahalaga sa mga nilalang at likas na yaman ng Pilipinas. Natuklasan ko rin na sagana tayo sa yamang tubig kaya dapat ang mga isda at iba pang nilalang sa karagatan at tubig ay dapat ingatan at pangalagaan.

(Ang sanaysay na ito ay isinalin mula sa orihinal kong isinulat sa Ingles na pinamagatang “In The Island of Stars” mula sa aking blog na pinamagatang “Perspectives in White Scratch Papers“)

This entry was posted in Backpacking, Ecotourism in Urban Area, Island Hopping, Photography, Travel and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

25 Responses to Pamamasyal sa Isla ng mga Bituin

  1. have you tried photo processing? your pictures have really captured the scene. mejo kulang lng sa life dahil sa colors… just an opinion lng but beautiful talaga lalo na ung water.

  2. Eigroj Stain says:

    Hindi pa ako nakapunta sa Puerto Princesa, at basi sa iyong mga litrato masasabi ko na isa itong nakatagong paraiso, ang ganda talaga ng Pilipinas.Pinakagusto ko ko yung kuha mo ng mga starfish na nakapormang bilog.

  3. notingathena says:

    wow, na-amaze ako sa dami ng starfish!
    and ang last picture, gustong-gusto ko. a plus pa talaga for the effort. is that a heart ?

  4. Ang ganda naman nyan! Kakatuwa yung mga starfish.

  5. Ang daming chocolate chip starfish sa Starfish Island. Ang paborito ko ay ang pin cushion star fish.

  6. Been to Palawan but was not able to do Honda Bay. Ngayon may kailangan na akong balikan.

  7. Kathy Ngo says:

    wow … love the last shot

  8. renzbulseco says:

    Haven’t been to PPS but I have read na super ganda raw dito

  9. Em says:

    I would love to be there! its one of my top destinations!

  10. Kai says:

    I would love to visit the place!! never been to the beach even though it’s summer :(((

  11. i usually travelled to PuertoPrincesa for some known reason.. I definitely love the people and theplaces!

  12. tess says:

    wow,damingb star fish ,no wonder Star fish Island ang tawag sa isla. ang ganda ng tanawin.

  13. ganda ng mga starfish.🙂 ang linaw din ng tubig, great place to relax away from the city, hindi tulad ng Boracay na crowded na at sobrang commercialized🙂

  14. natuwa naman ako sa mga starfish!🙂

  15. Cheska says:

    Must be amazing to see lots of starfish… =)

  16. Airra Pingol says:

    wow! starfish! hihi. ang cucute!

  17. claire says:

    may plano kami pumunta sa palawan. gusto ko rin makita ito!

  18. Shirgie Scf says:

    bihira lang ako nakakabasa ng mga blog na nasasalaysay sa wikang Filipino… mas maganda basahin lalo na at detalyado ang pagkasulat mo..parang gusto ko puntahan ang lugar.

  19. totenggaleng says:

    Napakahusay ng pagkakasulat. Sana marami pang ganito; bloggers na sumusulat sa wikang Pilipino. Mabuhay ka!

  20. nice article. i had been to Honda Bay but not at the Starfish Island. On my recent trip to Siquijor however, I was riveted to the many starfish (mga bituin) so I had a photo ops with them haha. I didn’t think of putting them in circles though just like what you did!

  21. joelthegalaman says:

    ganda naman ng PP..soon mapupuntahan ko ityo…then ishare ko para aus..:-)

  22. joelthegalaman says:

    mas maganda mapuntahan mo po buong pilipinas ten share mo samin mr blogger.:-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s