Ang Paggunita ng Kasaysayan sa Kawit: Ang Bayan Kung Saan Idineklara ang Kalayaan

Hunyo 12, 1898. Naideklara ang kasarinlan ng Pilipinas sa isang bayan sa Cavite na tinatawag na Kawit. Dito rin isinilang ang unang presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Sa kasalukuyan, ang bayan na ito ay maituturing nang urbanisado at maunlad ngunit ito pa rin ay pinagtibay ng kasaysayan.  

Ang bayan ng Kawit ay hango sa pangalang “kawit” o isang hook dahil sa hugis nito na katulad ng isang kawit na sumasakop malapit sa Manila Bay na sakop hanggang Cavite City. Ayon sa kuwento, isang Kastila ang nagtanong sa isang panday kung ano ang pangalan ng bayan na ito habang siya ay gumagawa ng mainit na metal na mukahng kawit. Tinawag ang bayan na ito na “kawite” at noong tumagal tinawag ito na “Cavite”.

Ang bayan na ito na “Cavite del Viejo” noong panahon ng Espanyol na iba sa “Cavite del Puerto” na ngayon ay ang Lungsod ng Cavite. Dito rin matatagpuan ang Simbahang Aglipayan sa baryo ng Binakayan na ipinatayo noong 1902.

Noong nagkaroon ako ng pagkakataon na bisitahin ang bayan ng Kawit, nilibot ko ang bayan na ito. Sagana sa mga fish pond at ilog dahil malapit ito sa dagat at marami na ring mga gusali at mga bahay dahil sa dami ng populasyon sa bayan.

Ang Labanan sa Binakayan na itinuturing na ang unang malakihang panalo ng mga Pilipino sa himagsikan ng 1896.

Dito nangyari ang isa sa mga matagumpay na himagsikan noong 1896, ang Labanan sa Binakayan kung saan nagwagi ang mga Pilipino sa digmaang ito. Sa ngayon, matatagpuan ang Binakayan Shrine sa tapat ng sikat na resort, ang Island Cove.

Simbahan ng Kawit

Ngunit kitang-kita pa rin ang bakas ng kasaysayan sa ilang mga lumang gusali dito. Una ang Simbahan ng Kawit o ang St. Mary Magdalene Parish Church na matatagpuan sa sentro ng bayan at malapit ito sa munisipyo. Dito sa simbahang ito bininyagan ang ating unang pangulo na si Emilio Aguinaldo noong 1869.

Dambana ni Emilio Aguinaldo

Ang balkonahe sa bahay ni Aguinaldo kung saan ginanap ang makasaysayang pagdedeklara ng kasarinlan ng Pilipinas.

Pagkatapos nito ay dumako ako sa pinakabantog na landmark sa Kawit, ang Bahay ni Emilio Aguinaldo. Ipinatayo ito noong 1849. Ito ang nagsilbing tahanan ni Aguinaldo mula sa kanyang pagkabata hanggang sa siya ay lumaki. Sa balkonahe ng bahay na ito naganap ang makasaysayang pagdedeklara ng kalayaan ng ating bansa mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898. Sumakabilang buhay siya noong 1964 at inilibing siya sa likod ng kanilang bahay.  

Sa kasalukuyan, ang bahay ni Aguinaldo ay isa sa mga dinarayong lugar sa Cavite dahil dito sumasalamin ang kasaysayan ng probinsya at matatagpuan dito ang ilan sa mga bagay na naging bahagi ng buhay ni Aguinaldo at ng kasaysayan ng Pilipinas. Namumukod tangi ang tahanang ito dahil makikita mo ang mapa ng Pilipinas sa kisame at mayroon itong sikretong lagusan patungo sa ibang lugar.

Ang bayan ng Kawit ay isang bayan na simbolo ng pag-unlad at urbanisasyon at nananatili itong bayan na pinagtibay ng kasaysayan dahil dito isinilang ang kalayaan ng ating bansa.

About these ads
This entry was posted in History, Travel and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

17 Responses to Ang Paggunita ng Kasaysayan sa Kawit: Ang Bayan Kung Saan Idineklara ang Kalayaan

  1. i remembered my first time to visit Kawit.. it was for a field trip in school.. it’s been a long while since that last visit..

  2. nice place! i wish I could go and visit

  3. Franc Ramon says:

    Salamat sa pagpapaalala sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang Cavite ay mayroon malaking papel sa kasaysayan ng Pilipinas.

  4. It’s always good to know your History so as your not a stranger on your own country! nice post =)

  5. oh I haven’t been here since I was in grade school (field trip). Glad to see that Aguinaldo’s house seems to be well-maintained.

  6. Ishmael Ahab says:

    Napuntahan ko itong Aguinaldo Shrine. I even featured it on my blog sa nakaraang Independence Day. Ang daming historical sites sa Kawit. Nag-uumapaw kasi sa kasaysayan. wish na makabalik uli ako sa Kawit para makagala sa ba pang makasaysayang lugar.

  7. Althought I was not in Manila or in cavite to celebrate with you guys I was in the City of Dapitan celebrating Philippine independence at the shrine Capital of the country. Happy independence June pa rin naman ngayon diba? hihi

  8. Magandang mayroon pa tayong napapanatiling maayos na mga “historical landmarks” sa ating bansa.

  9. Renz Bulseco says:

    Buti nalang at hindi kinonvert ang historical site na to

  10. Bibisitahin ko toh pag may bala na ulit ang wallet ko!

  11. Ah!!! PILIPINO AKO!!! taas noo kahit kanino!!!

  12. i never been here.. must try to visit this someday

  13. kikomaxxx says:

    its more fun knowing places like this in the Philippines..

  14. markpogi says:

    I’ve never been to Kawit but I hope I could pay them a visit and take pictures like you do. ^_^

  15. It’ll be nice to be back at this place..Went here during my elementary years. Maybe I’ll appreciate this historic place at my age right now.

  16. MeiYah says:

    parang gusto kong makita sana ying mapa ng Pilipinas sa kisame at gusto ko ding malaman kung saan patungo ang sikretong lagusan na yan… :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s