Pag-alala ng Kasaysayan sa Calamba: Ang Bayan ng Ating Pambansang Bayani

Isa sa mga mauunlad na lungsod sa lalawigan ng Laguna ang Calamba.  Isa ito sa sentro ng kalakalan sa Katimugang Luzon. Matatagpuan 54 kilometro timog ng Maynila at napapaligiran ito ng mga bayan ng Cabuyao, at Los Baños sa Laguna, Tagaytay sa Cavite, at ng bayan ng Tanauan at Sto. Tomas sa Batangas.

Ayon sa kuwento, noong unang panahon may dalawang sundalong Espanyol na nakita ang isang babae na galing sa ilog na may dalang banga na puno ng tubig. Nagtanong ang mga sundalo gamit ang kanilang wika para itanong kung anong lugar ang napuntahan nila. Sinagot ng babae ang tanong gamit ang kanyang wika at sinabing “kalan banga” na ang ibig sabihin ay kalan (stove) at banga (jar stone). Nang tumagal, tinawag din itong “Calamba” at dito matatagpuan ang pinakamalaking banga sa buong mundo.

Ang Calamba ay ang bayan kung saan isinilang at nagkaisip ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Sa kasalukuyan, ang kanyang bahay ay isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas at binibisita ito ng mga turista. Ang kanilang bahay ay gawa sa bato kung saan inilalarawan na kabilang sila sa mga ilustrados o mga mayayamang Pilipino. Napapaligiran din ito ng mga halaman at punong-kahoy. Ito ay muling ipinagawa ni Pangulong Elpidio Quirino noong panahon ng kanyang administrasyon bilang pagkilala kay Rizal bilang pambansang bayani.

Matatagpuan naman sa tapat ng city hall ang Plaza Rizal kung saan makikita ang pinakamalaking istatwa ni Rizal sa Pilipinas. Mula sa pag-akyat sa hagdan tungo sa istatwa ay matatanaw mo ang Bundok Makiling at ang bahay pamahalaan ng Calamba.

Ang aking pamamasyal sa bayan ng Calamba ay pag-alala sa ating makulay na kasaysayan at pagkilala sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa ngayon, isa sa mga mauunlad na lungsod sa Pilipinas ang Calamba dahil sa dami ng mga malls, residential areas, mga pabrika at iba pang mga gusali ngunit nananatili pa rin itong lugar kung saan nagmula ang ating pambansang bayani.

This entry was posted in History, Travel, Urban Life and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

9 Responses to Pag-alala ng Kasaysayan sa Calamba: Ang Bayan ng Ating Pambansang Bayani

  1. Ma-try ko nga next summer mag-explore ng Laguna. Alam mo naman what I said before.. I’ve never seen this part of Laguna before! Thanks to your posts, may new places na pwedeng mapuntahan na malapit lang.🙂

  2. I’ve tried staying in Calamba for field works before but I should try a trip as educational as this one.

  3. I frequented Laguna for a couple of years or so for some city planning projects but never got the chance to explore that historical landmark. Perhaps next time, I should find time to do so.

  4. Ngayon ang ika-151 na kaarawan ng ating pambansang bayani na tubong-Calamba. Alalahanin natin ang kanyang kasaysayan, upang may mapulot tayong mga aral at makatulong sa pagsulong ng ating bansa.

  5. Kathy ngo says:

    Oh, I’m just planning to actually go here by next month.

  6. Brenna says:

    aww. buti ka pa when you went there open na yung monument ni Rizal. Last time I went there, hindi pa naiinaugurate.🙂 Did you know there’s also an old bath spa in Calamba?🙂

  7. I’m from Laguna (Sta. Rosa) but don’t have any idea where the word “Calamba” came from…poor me😦

  8. How the name came to be seems to be very similar with other places..
    I’ve been going to Calamba to visit an aunt but I’ve never heard of this legend.
    Nice to know!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s